Ako nanaman ang gumawa nito hehehe
tagal na rin toh... =)) ito ung pinakauna kong ginawa na tula ever lolx...
May isa akong kaibigan
na akala ko'y mapagkakatiwalaan
Inako kong nakatatandang kapatid
Meron palang tiantagong galit
Nagtagsil ang aking kaibigan
Parang wala kaming pinagsamahan
Isipan ko'y kanyang nilinlang
Ginawa nya akong laruan
Aagawin niyang aking pinagipunan
Ikakalat niyang aking lihim
dudumihan niyang aking ngalan
Ako'y ibabagsak nyang tuluyan
Di ko malaman kung bakit
Ano bang nagawa kong mali
Bakit ganito ang ibinalik
Ako ngagyo'y nagdadalamhati
Araw gabi Ako'y lumuluha
Sa kataksilang ginawa niya
Ako'y nawawalan na ng pag-asa
Ako pa kaya'y sasaya?
Kaibigan ko'y isang traidor
Isa siyang masamang damo
Sa dilim siya'y nagtatago
Ano ba talagang motibo?
Ngunit kahit ganyan man
Ako'y marami namang natutunan
Ako ay naging palaban
Di na magpapalilo kailanman
Sasanggain kong malalakas na hangin
Na kanyang hinahampas sa akin
Sa hirap ng aking dinanas
Sa kanya'y aking ipararanas
Lahat ng kanyang inagaw sakin
Akin muling babawin
Kalungkuta'y tatapusin
Mga sugat ay gagamutin
Sa pagtatapos ng aking tula
May aral na ipinakita
Wag agad magtiwala
Sa kaibigang di lubos kilala