PinoyForumZZ
Hi Guest! Please log in or register!



 
HomeHome  HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log in  
New Updates! Log-in pop-up updated. Multi-quote is installed. New welcome banner. Ads are disabled when logged in.

Share | 
 

 Ely Buendia inatake sa concert

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
shylaxf
Senior


Female Number of posts : 711
Location : venus since women are from venus
Registration date : 2008-08-26

PostSubject: Ely Buendia inatake sa concert   Sun Aug 31, 2008 11:36 pm


from http://www.journal.com.ph

September 01, 2008 03:40 PM Monday Article read 748 time(s)

Ely Buendia inatake sa concert
By: Edd J. Reyes
NAPUTOL ang dinagsang concert ng sikat na bandang Eraserheads matapos atakihin sa puso ang lead vocalist nitong si Ely Buendia habang nasa kasagsagan ng kanilang reunion concert kamakalawa ng gabi sa Bonifacio Global City Open Field sa Taguig City.

Nalaman lamang ng mga manonood ang hindi magandang kondisyon ng kalusugan ni Buendia nang humingi ng 15 minutong pagkaantala ang organizer ng naturang concert hanggang sa umakyat na sa entablado ang kapatid ni Ely na si Lila, kasama ang isa pang miyembro ng banda na si Buddy Zabala at inihayag na isinugod sa pagamutan ang lead vocalist matapos dumaing ng paninikip ng dibdib.

Bagama’t nabitin ang kinasasabikang reunion concert ng grupo na dinagsa ng mahigit 60,000 mga tagahanga, kaagad naman itong naunawaan ng kanyang fans at nag-alay ng 15-minutong panalangin para sa agarang pagbuti ng kanyang kalusugan ni Ely.

Naunang isinugod si Buendia sa Makati Medical Center matapos makaranas ng emotional at physical stress subalit ipinasyang ilipat sa Philippine Heart Center bunga ng hindi magandang kondisyon ng kanyang puso.

Napag-alaman na may nalalabi pa sanang 15 kanta ang nakahanay na aawitin ng Eraserheads sa kanilang naturang concert nang dumaing na ng paninikip ng dibdib ang lead vocalist kaya’t pansamantalang itinigil ang concert.

Ipinaliwanag naman ng organizer ng naturang concert na posibleng ang matinding pagod sa ensayo at rehearsal ng konsiyerto ang sanhi ng pagbagsak ng kalusugan ni Buendia.

Matatandaang unang inatake sa puso si Ely Buendia noong 2007 habang ang kanyang bandang Pupil ay tumutugtog sa Laguna.

Tumanggi namang magbigay ng opisyal na pahayag ang Philippine Heart Center kaugnay sa kalagayan ng vocalist bagama’t umaasa ang lahat, lalo na ang kanyang mga kasamahan sa banda na sina Raymond Marasigan, Marcos Adorno at Buddy Zabala, sa maagang paggaling ng sikat na singer.
Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Mon Sep 01, 2008 1:25 am

aww kawawa naman.....mga mahihirap minsan mas di pa sakitin....... Razz Razz Razz

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
rukia22kuchiki
Moderator


Female Number of posts : 2940
Age : 31
Location : on earth?
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Mon Sep 01, 2008 2:07 am

OFCOURSE KAMING MAHIHIRAP SANAY NA SA DUMI,GUTOm at kasalatan sa mga pangangailangan kaya tong mga bituka namin bato na pangmatagalan .... =))

_________________



E M O
Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Mon Sep 01, 2008 3:10 am

wag ganyan mama bear hehehe hmm kasi mga mayayaman hilig ata sa mga karne kaya yan mahihirap kasi na TULAD ko laging gulay Razz Razz

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
ino_fuuka
Moderator


Female Number of posts : 1268
Age : 28
Location : jeddah
Registration date : 2008-07-29

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Mon Sep 01, 2008 6:10 am

sa totoo lang na lungkot na lungkot ako sa balitang to dahil isa akong number one fan ng eheads... let's pray for him na lang....

_________________
"THAT'S MY WAY OF BEING A NINJA"

Back to top Go down
View user profile
rukia22kuchiki
Moderator


Female Number of posts : 2940
Age : 31
Location : on earth?
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Tue Sep 02, 2008 2:13 am



nah sana di pa xa kunin ni lord idol ko yan si ely.. marami xang kanta d2 sa mp3 ko

_________________



E M O
Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Tue Sep 02, 2008 2:27 am

aww sana matuloy yung concert nila idol ko rin sya lalo ng kantang toyang Razz Razz Razz

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
ino_fuuka
Moderator


Female Number of posts : 1268
Age : 28
Location : jeddah
Registration date : 2008-07-29

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Wed Sep 03, 2008 1:55 pm

haaaaiiisssssssshhhhhhh.... huli ka ba sa balita ichigo, natuloy yung concert ng reunion... at dun siya mismo inatake kaya natigil after nilang ikanta yung alapaap..

_________________
"THAT'S MY WAY OF BEING A NINJA"

Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Thu Sep 04, 2008 2:01 am

alam kong natuloy kaso sa secondary concert yun yong ibig kong sabihin Razz Razz Razz Razz

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
rukia22kuchiki
Moderator


Female Number of posts : 2940
Age : 31
Location : on earth?
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sat Sep 06, 2008 2:41 am



i wish for long life for ely... damn kahit hindi ako ipinanganak sa ganung taon love ko ang banda nila nooh

_________________



E M O
Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sat Sep 06, 2008 3:33 am

wish kong gagaling pa sya for sure bounce bounce bounce bounce bounce bounce bounce

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
rukia22kuchiki
Moderator


Female Number of posts : 2940
Age : 31
Location : on earth?
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sat Sep 06, 2008 10:50 pm

madami pang nagmmahal dun

_________________



E M O
Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sun Sep 07, 2008 4:15 am

idol ko parin sya ...simula pa noong 90 s Cool Cool Cool Cool

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
ino_fuuka
Moderator


Female Number of posts : 1268
Age : 28
Location : jeddah
Registration date : 2008-07-29

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sun Sep 07, 2008 7:24 am

ichigo14 wrote:
alam kong natuloy kaso sa secondary concert yun yong ibig kong sabihin Razz Razz Razz Razz


wala nang secondary concert pa! napilitan lang sila ireunion just for the sake of money, dahil sponsor nila that time na marlboro at malaki kinita nila awkie.. Twisted Evil

_________________
"THAT'S MY WAY OF BEING A NINJA"

Back to top Go down
View user profile
narutoooh!
Junior


Male Number of posts : 422
Age : 23
Location : tae
Registration date : 2008-07-30

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sun Sep 07, 2008 7:31 am

kala ko na deadbull na toh...
Back to top Go down
View user profile
ichigo14
Moderator


Male Number of posts : 4220
Age : 28
Location : silent hill..........................
Registration date : 2008-08-03

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Mon Sep 08, 2008 4:04 am

latest news napanood ko nga sa jessica yung pag hingi ng paumanhin ni ely sa mga fans nya...at sa mga ka group nya kagustuhan daw yun ni ely sabi nila. Razz Razz Razz

_________________
Back to top Go down
View user profile http://profiles.friendster.com/57327937
U Know it all Loser
Fresh


Number of posts : 17
Registration date : 2008-09-13

PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Sat Sep 13, 2008 12:43 am

bkt kya gnun ang ngyri
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: Ely Buendia inatake sa concert   Today at 2:38 am

Back to top Go down
 
Ely Buendia inatake sa concert
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PinoyForumZZ :: Social Ground :: Showbiz-
Jump to: